BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, February 10

ISANG PASASALAMAT :]


  
 Salamat po poon sa buhay  na laan
sa abang tulad ko na makasalanan
tumahak sa mali, sa rangya sumagwan
hindi pa lumningon sa pinanggalingan







Ganoon man maraming salamat
binali niya ako sa tamang landas
buhay pinahahalagahan binigyang saysay
sa gulo umiwas, nilisang tuluyuan

Kaysarap mabuhay na walang gulo
panatag ang loob malayao sa grupo
Sige, Tuloy ang buhay, magsaya tayo
yan ang nais ni Hesus sa bawat tao.

Salamat, salamat Hesus na dakila
tunay nang buhay ko ikaw ang may gaa
gabayan mo nawang huwag magakasala
Upang itong buhay nawa'y maitama.


0 comments: